Ready na lahat. Ready na lahat ng sumbat, sama ng loob… Napraktis ko na yung madrama kong pag-iyak. Syempre, dapat gabi yung oras…sa may dagat yung setting… ang mga karakter, Ako at syempre, sya.
Pyesta. Busy lahat. Yun lang yung time na pwede kami magkita kasi malaking gulo na naman pag may nakaalam na iba. Mahirap kasi mahigit isang taon na pero ganun pa din, kelangan pa din naming magkita ng patago. Oo, sobra isang taon na, pero, parang kahapon lang nangyari lahat. Di ko alam kung ano iisipin, kung ano yung dapat kong maramdaman… Parang blangko lahat. Kumakabog ng sobrang malakas dibdib ko…ninenerbyos ako. Nanlalambot tuhod ko…
Nakita ko na siya.And damn, bakit ganun? Bakit yung pakiramdam na inaasahan kong maramdaman eh wala? Oo, magpapakatotoo ako, namiss ko siya ng sobra, na matagal kong inantay yung araw na yun pero meron talagang kulang at hind ko pa alam kung ano.
(pause, bigla lang ako napaiyak…naalala ko kasi siya… pag naaalala ko siya, naalala ko yung sakit… yung hirap… yung mga gabing hindi ako makatulog. Yung mga oras na kelangan kong gawin lahat makalimutan ko lang na mahalin siya…Masakit eh. Sobrang masakit. Sobra ko siyang minahal)
Tapos, nagpaliwanag na siya… Masakit malaman na hindi ko mapaniwala sarili ko na totoo sinasabi niya. Naisip ko, “after ba ng mahigit sang taon, yun yung paliwanag na makukuha ko? Na maririnig ko..? bakit parang hindi worth it..? bat ganun..?” Sobrang pagpapaliwanag ginawa niya at alam kong alam nya na hindi ako naniniwala…. nawala yung lahat ng sumbat ko.. wala yung pag-iyak ko… hind nangyari yung scene na matagal ng nagpe-play sa utak ko. The whole time, ako yung naging listener and he was the speaker… natapos pag-uusap naming na hindi ako satisfied na hindi ko nailabas lahat.
Alam niya na wala ng pupuntahan pag-uusap namin. He said, na ihahatid na niya ko and he asked me kung pwede niya kong yakapin for the last time. I agreed. He hugged me…napakahigpit ng yakap niya. His embrace was my home. His kiss was my happiness and for me, he was love… HE WAS. Nung niyakap nya ako, he kissed me on my forehead and sa pisngi ko. Then he hugged me again…halos hind ako makahinga. And I miss that moment. Parang it was a very blissful moment kasi nung time na yun, dun ko narealize kung gano ko siya namiss… kung gano ko siya minahal. Kung pano siya naging importanteng part ng buhay at puso ko. But it was our goodbye. That time, I know that was it. He told me he still loves me and for me the feeling is not mutual anymore. I have learned to outgrow my feelings for him. Namaster ko na yun sa katagalan. And no matter what I do, he will be the man whom I was deeply in love with. It is the truth. I did fell deeply in love with him. Too bad, that love already ended.